Jul 25, 2009

Lets All Pray For President Cory Aquino



Nasasadlak ngayon sa matinding paghihirap ng kalooban ang Pamilya Aquino dahil sa matinding karamdaman dinadala ng ating dating pangulo ng Pilipinas. Noong Marso 24, 2008 napabalita na mayroong siyang cancer sa colon, isang sakit sa bituka ang dating pangulo, na kasalukuyang may edad na 75. Pero dahil sa supporta ng kanyang anak na si Kris Aquino at ng ibang kapamilya mayroon sa kanyang nag-aasikaso at ngayon unti-unti na nawawala ang kanyang sakit. Sa kasalukuyang panahon napabalitang malala na raw ang sakit ng dating pangulo kung saan nananawagan ang buong pamilya, kaibigan, at mga taga-suporta sa malawakang pagdarasal, paghinigi ng tulong sa poong may kapal para sa ikakagaling ni Tita Cory.
Nagkaroon ng healing
mass sa ibat-ibang panig ng bansa, nagkakaisa sa mabilisang paggaling ni Tita Cory na sinasabi ng ilan na himala na lamang ang makapagliligtas sa kanya. Sa ngalan ng ating panginoong Hesukristo tayo po ay magkaisa sa paggaling ng ating minamahal na pangulo.

2 comments:

  1. Rest In Peace President Cory Aquino
    Died: August 1, 2009, 3:18AM

    ReplyDelete
  2. Haha..auz yung pgkmty ni Cory parang naghintay lng ng mgndang date para memorable..Wala nabang pasok pag August 1? COry Aquino's Day!

    rip cory! laban!

    ReplyDelete

Post Comment