Sep 25, 2009

TAYONG DALAWA - The Finale


Napakaganda ng naging pagtatapos ng "Tayong Dalawa". Sigurado akong marami ang hindi malilimutan ang show na ito. Sa aking panonood ng finale ng "Tayong Dalawa" hindi ko makalimutan ang tagpong nagkaharap si Ramon, Dave at JR sa harap ng kanilang ina na si Marlyn. Talagang hindi ko pinalampas ang eksenang yun. Isa pa sa hindi ko makakalimutan eh yung binaril ni Ingrid si Ramon. Nakakadala talaga ang bawat eksena. Napakahusay nilang lahat. Talagang tatak KAPAMILYA.

Nang mga sandaling patapos na at pinapakita ang mga credits ng show. Buong akala ko ay tapos na talaga nang biglang pumasok sa eksena si Rosanna Roces at Enchong Dee at nagpapakilala na asawa siya at anak ni David Garcia Sr. Sa tagpong ito isa lang ang pinahihiwatig sa ating lahat ng KAPAMILYA Network at yun ay maaaring may Book II pa ang Tayong Dalawa. Masasabi kong napakahusay talaga ng buong cast at staff ng show nato. Im looking forward sa Book II ng Tayong Dalawa. Para sa ating mga tagasubaybay sa tingin nyo ano kaya ang mangyayari sa Book II??? Excited na ba kayo? hehe ako din..So Lets Wait Na LANG!

1 comment:

  1. hmmm...ganda grabe! tatak kapamilya! kaexcite yung Book II sana meron

    ReplyDelete

Post Comment