Dec 16, 2008

Hindi ako buntis! -- Marian Rivera

 

Marian Rivera & Dingdong Dantes deleted scene in "Marimar"

download here 

Masayang nagsimula ang presscon ng Desperadas 2 kahapon sa Imperial Palace Suites, pero malungkot at kontrobersyal itong nagtapos sa pamamagitan ng pag-iyak ni Marian Rivera, isa sa mga bida ng pelikula, habang sinasagot ang issue na diumano’y buntis siya kay Dingdong Dantes.


Marian was asked once and for all to clarify kung totoo bang buntis siya at dito na nagsimula ang “highlight” ng presscon.

“Ano ang gusto n’yong isagot ko riyan, daanin ko rin sa smile para kontrobersyal ako?” simulang sagot ni Marian na umani agad ng atensyon simply because everybody knows na si Karylle ang kanyang pinapatutsadahan.

Last Sunday kasi, tinanong si Karylle sa The Buzz kung naniniwala siyang buntis si Marian at ngiti lang ang naisagot ng young singer-actress.

“Hindi ako buntis, okay?” mariin, pero dahan-dahang bigkas ni Marian na mala-Nora Aunor ang dating.

“Napakaraming blessings na dumarating sa buhay ko at hindi ko hahayaang mangyari ’yan sa buhay ko. Masyado pang maaga para mangyari ’yan at hindi na ako bata at lalong hindi ako tanga para magpabaya ako,” patuloy pa niya.

She was asked kung ano ang naramdaman niya nang dumating sa kanya ang naging reaksyon ni Karylle sa The Buzz.

“Nung lumabas ’yan, ’yung mga malapit sa buhay ko, tumawag din. Okay lang ’yung mga sagot niya sa iba, ang problema lang, ’yung huling sagot,” Marian said as she started crying.

“Para sa akin kasi, may malisya. Puwede namang sumagot siya na ‘hindi ko alam’ dahil kung ako ang tatanungin kung may babae na nabuntis o kung anuman, sasagutin ko na ‘hindi ko alam’ o ‘wala ako sa posisyon para sagutin ‘yan.’

“Pero ngumiti lang siya (Karylle) na parang nambibitin siya. Aaminin ko sa inyo, na-offend ako,” humahagulgol pa ring sabi ni Marian.

“Nasaktan po ako. Na-offend ako, kasi puwede naman siyang sumagot na hindi, eh, bakit kailangang ’yun ang sabihin niya?

“Kung ’yun ’yung way para pag-usapan siya, pabayaan ko na lang po siya. Kung du’n po ang ikaliligaya nila, na manapak sila ng tao, na manakit sila ng damdamin, bahala na ang Diyos sa kanila.

“Basta ako, ayoko nang magsalita. Basta ang masasabi ko sa inyo, hindi ako buntis. At if ever man na buntis ako, ako mismo, sasabihin ko ’yon sa inyo.

“Pasensiya na po kayo, ayoko na pong magsalita dahil nakakahiya po sa mga kasama ko rito. Imbes na Desperadas ang pag-usapan, ito po ’yung pinag-uusapan.

“’Yun lang po, na-offend po ako, nasaktan po ako. Thank you po,” very emotional at umiiyak pa ring pahayag ni Marian.

Hanggang sa matapos ang kanyang statement, hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak ni Marian kaya naman pati si Mother Lily Monteverde (producer ng Desperadas 2), lumapit na sa kanya sa presidential table at inalu-alo siya.

Natahimik naman ang lahat ng female co-stars niya na sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado at Rufa Mae Quinto, pati na ang iba pang nasa presidential table habang nagkakagulo naman ang press at photographers sa harapan para makunan ang pag-iyak ni Marian.

Hindi na rin nagsalita pa ang young actress para sa parting shot at nang matapos na ang presscon, nagmamadali siyang umalis dahil may commitment pa raw.

For sure, lalaki pa ang isyung ito, kaya abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa Karylle versus Marian issue.

(Actually, sinubukang kunan ng reaction ng Tonight si Karylle pagkatapos ng Desperadas 2 presscon kahapon via phone, pero aniya, nakapangako na siya sa isang TV host-broadsheet editor na hindi magpapa-interview sa iba.

(Ayaw daw niyang sirain ang pangakong iyon, kaya humingi siya ng dispensa. Nang banggitin namin ang naging scenario sa presscon, na na-offend nga si Marian sa ngiti niya sa The Buzz, ang tanging nasabi ni Karylle ay ‘okay.’

11 comments:

  1. kunwari patong ahas nato..manunulot ng bf..naku ewan ko lang laspag natoh kay dingdong! mga kapusong bulok!

    ReplyDelete
  2. Thanks for ur comment on ma blog post naming "How to Add / Embed Comment Box below blogger post?"

    I think ur problem is solved :)

    Good,

    Regards;

    VAMPIRE | http://orkutting-tricks.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. baliw mung kapamilya ka?inggit ka kc d hamak namang mas maganda c marian kay karylle

    ReplyDelete
  4. manunulot?mukaka moh>.so paki mu b???mas madaming ms magandang qualities c m ksa ky k noh

    ReplyDelete
  5. hay naku mga kapuso your such a loser!

    ReplyDelete
  6. tang ina niu mga kapamilyang squater

    mga ugaling squater nmn mga kapamilya

    ReplyDelete
  7. tang-ina ka rin!

    obvious namang malandi c m noh!
    GMA ang squater. hindi ang kapamilya dahil mas mayaman ang ABS-CBN noh!
    LOSER lng talaga kayo! NOOBS!
    trying hard copy cat! bleh:p

    ReplyDelete
  8. tigilan na yang network wars... ganyan lng tlaga ang buhay noh!!! imbis na magaway-away ang mga tao jan, maging neutral n lng keo noh..!!!
    ..walang kwentang pnagaawayan... napkabababaw nyo!!!
    ..di n lng keo manood at wag n lng clang pakeelaman noh!...
    peaCe...

    ReplyDelete
  9. d nm squater ang GMA at ABS ehh...
    ..kita nyu ngang nakakapag-produce cla ng iba't-ibang pelikula ehh...
    ..mga PUPU b keo??
    ..bka keo mga SQUATER?!!!
    ..wala keong krapatang magsalita ng ganyan noh...!
    ..but, u have d right wat u want 2 say to others, pero PERO... may LIMITATIONS din noh... DON'T say BADWORDS!!

    ReplyDelete
  10. ...sabihin mo muna sa sarili nyo bagu nyo husgahan ang iba...
    ..INSECURE lng keo noh!!
    ..INSECURITY is a DISEASE...kaya get well soon BITCH^^
    :P

    ReplyDelete

Post Comment